I have always wanted to write. Siguro dahil gusto ko ding magbasa.
But what should I write about? daily life na hindi naman palaging masaya o tungkol na lang kaya sa malulungkot na bagay?
People tend to write more when they’re depressed, well I do. Ballpen at papel ang kasama ng lungkot.
Pero dati yun.
Ngayon, I have a camera. Baduy man sabihin pero pinalitan nya ang ballpen at papel. I shoot. Happy man o hindi. Paikot ikot. Pa pitik pitik.
Kaakibat ng kagustuhan kong magsulat kaya nagawa ang blog na ‘to. Siguro, kung anu ano lang ang magiging laman. Saya, hirap, inis, takot at tagumpay. Halo halo na.
At tulad siguro ng potograpiya, makikita ko din ang sarili kong “lagda” sa pagsusulat sa paulit ulit kong pag gawa nito.