Kaninang umaga, habang nasa opisina ay binigyan ako ng isang forwarded email ng isang kaibigan. Tungkol ito sa isang ama at ang kanyang mga saloobin tungkol sa pagkasawi ng kanyang asawa sa nagdaang Glorietta blast. At tulad ng isang taong puno ng hinagpis, marami siyang mga “sana” at “kung.”
Nuong nakaraang taon ay dumaan din ako sa mga yapak niya ngayon.
Napakaraming bagay ang tumakbo sa isipan ko nuong mga panahon na yun. Halos lahat ng “kung” at “sana” ata ay naisip ko. Naisip ko kung halimbawang ganito kaya ang ginawa ko, mangyari pa kaya yun? e kung eto kaya?
Sa huli, lahat ng ito ay nasa isip ko lang.
“We look at death in a selfish way” di ako ang nagsabi nyan. Pero kung iisipin mong maigi nang walang balot ng emosyon, makikita mo na meron itong bahid ng katotohanan. Sasabihin mong “sayang” pero sayang para kanino? para sa iba di ba? “Marami pa syang matutulungan” para sa iba pa rin. “Kawawa naman ang mga iniwan nya” para sa iba na naman. Pero para dun sa mismong namatay, meron ka bang naisip na para sa kanya? “At best, he’s anangel and at worst, he’s at peace, free from all worlds’ the troubles” sabi nga ni Tupac.
Lubusan din akong nalungkot sa pagkawala ng bunso kong kapatid. At bagama’t alam ko ang mga bagay na ito, hanggang ngayon, pabugso-bugso, naiisip ko pa rin ang maraming “kung” at “sana.”
Tao lang.
To fear death, gentlemen, is no other than to think oneself wise when one is not, to think one knows what one does not know. No one knows whether death may not be the greatest blessing for a man, men fear it as if they knew that it is the greatest of evils. And surely it is the most blameworthy ignorance to believe that one knows what one does not know. –Socrates (469-399 B.C.)