“Pano ang diskarte ulit?”
Malabo pero dahil POP-Beijing – laban yan!
Si Renen ang nag plano ng overnight sa Bataan. Pupunta daw kami sa may parola na nakita nya sa isang magazine. Galing lang kami sa pagkasawi sa Batangas – plano naman yun ni PR. Alas dos ng madaling araw umalis, naligaw, nagtanong tanong sa mga lokal ng alas kwatro, inikot ang buong Batanggas – nauwi sa Mcdonalds Lipa ng alas sais ng umaga. Magandang kwento pero ibang kwento na yun. Balik tayo sa Sisiman 🙂
Kaya ganun na lang siguro ang gigil para makapag shoot. Nag research, nag google at nagbasa basa naman si Renen kung saan at paano kaya game na ‘to kahit wala pang isa samin ang nakakarating sa lugar.
Umaga nang January 3, sa may POEA Ortigas kami nagkita kita. Kaka-atras ko lang sa pagkuha ng OEC dahil sa mala ahas na haba ng pila. Pagtawid ko sa tulay papuntang Robinson’s Galleria, nakita ko na agad si Owen. Sinisipat ang shrine – umaanggulo. 9:00 na ng umaga.
At duon na nga kami nag assemble. Dumating sila Dom, PR, Don Don (na galing pa ng Bicol) at Renen (kakalapag lang galing Beijing)
Larga na.
Ayos naman ang byahe. Yun nga lang, nasa likod kami ni Owen ng sasakyan. Masikip at mainit. Sarsa na lang ang kulang sardinas na – ika nga ng matatanda. Naging sampayan din ng twalya ang likod ng sasakyan – pangontra init. Mas pinili na lang namin na ‘wag mainitan kesa tumanaw ng magandang tanawin.
Pag dating sa Sisiman, may lumusong, may nag pausok ng mahiwaga, may nainis sa ingay at meron ding nagkwento na akala mo e limang taon gulang lang kami.
“Ang lakas ng sumpa, ang kailangan ko’y …” – ang kwento ni Manong drayber na di ko malaman kung saang barber shop nya nakuha.
Overnight sa Mariveles Bataan. Tatlong litrato. Karanasang panalo. Salamat kay Renen 🙂