Sharing an audio interview with the Filipino Broadcast of China Radio International.
The interview was fully conducted in Tagalog by a Chinese reporter who speaks my native language. Click more for the full interview.
Walang kulay pero puno ng buhay
China Radio International | February 2012 | Tagalog | Source Link
Sa palatuntunan ngayong gabi, makikilala natin ang kwento ng isang Pinoy na umusbong ang talento sa pagkuha ng mga larawan dito sa Tsina. Ibabahagi namin sa inyo ang kuwento ng award winning, fine art photographer, na si Red Ognita
Si Ginoong Red Ognita ay mahigit 10 taon nang naninirahan sa Beijing. Nagtra-trabaho siya sa isang embahada dito sa Beijing, at hilig nya ang pagkuha ng mga litrato. At ilan sa kanyang mga larawan ay nagwagi ng mga gantimpala sa Tsina, at maging sa ibang bansa.
Ayon kay Ognita, sa simula walang siyang anumang intensyon pasukin ang larangang ito. Bumili siya ng kamera para lang magkaroon ng litrato na ipapakita pag umuwi sa Pilipinas.
Noong taong 2011, inanyayahan si Ginoong Red Ognita sa 2011 Lishui International Photography Festival, bilang kinatawan ng isang gallery. Sabi niyang “kahit saan naman, kailangan muna ng konting kompiyansa, kasi lahat naman nagsimula sa konting kompiyansa.”