The title is derived from the famous song sexbomb of Tom Jones – another song we all love but hate. Let’s leave that for another discussion.
Tagalog na.
TXTSPEAK
Bago pa man naging sikat ang mobile phones ay ginagawa na ito ng mga hacker (in it’s true sense)
Sa pagpapaikli o pagpapalit palit ng letra ng salita, naiiwasan ng mga hacker ang mga word filters. Ang resulta, naitatawid nila ang mensahe na gusto nilang iparating.
halimbawa: ang porn ay ginagawang pron o pr0n, kung ang word filter ay porn o any four letter word composing of p,o,r,n.
Isa ang layunin. Ang makapagtawid ng mensaheng malinaw.
Aba’y ano na ang nangyari ngayon?
Hindi ko maintindihan.
Meron bang nagbukas ng dam ng mga bagay na di mainam at madaming pinoy ang nabasa?
Naiintidihan ko ang dahilan sa likod ng putol putol na salita sa mobile phone. Kailangan kasing paikliin ang mga salita para magkasya sa limitadong bilang ng letra. Mas mabilis. Mas matipid. Pero bakit kailangan palitan ang mga letra kung pareho lang naman ang bilang?
Aco kapalit ng ako (at isang damakmak na kumbinasyon)
Minsan, lalo pa ngang humahaba (acoh)
Bakit kailangan mag text speak kung hindi naman mobile ang gamit at hindi naman limitado ang pag-gamit ng letra?
Bakit textspeak pa rin sa mga bulletin boards at forums. Minsan pa nga pati sa formal writing, may nakakalusot. Nakasanayan na kasi.
Dahil kaya isa itong paraan para masabing “uy cool ‘tong kausap ko.”
Alam ba natin na tayo lang din ang nakakaunawa sa sinasabi natin? Sa katunayan, hindi pa nga lahat.
Hindi tulad ng xoxox na maraming banyaga ang nakakaunawa, bagaman hindi din lahat.
Alam ba natin na sa internet, sa paraan lang ng pagsusulat makakasilip ang mambabasa kung ano ang personalidad ng sumusulat? edad, pinag-aralan at kung taga-saan
Ano ang opinyon mo sa taong magsulat ay ganito?
miz coh na kau 2 Mayang!!! tsupmwahpzzzzzzzzzz…. kiz mo rin ko kay eng2x mmmmmmmmmmmmmwwwwwwwwaaaaaaaaahhhhhppppppppzzzzz!!!
Dapat pa ba nating pag-usapan ang AlTeRnAtInG cAps?